♥..Ishturyahz..♥

ang aking kakaibang palasyo..

Kismet: Chapter 65-last chapter [i'll take a bow now...maraming salamat.] September 15, 2008

Filed under: kismet — missyen @ 3:20 pm

Chapter 65

 

Minsan may mga bagay na dumadating na hindi natin inaasahan…

 

 

 

 

Katulad ng mga kaibigang pang habambuhay…

 

 

 

 

Meron namang kaibigang…

 

 

 

Hindi mo inaasahang…

 

 

 

Magiging malaking parte pala ng buhay mo…

 

 

 

Parang si reesha and mykel…

 

 

 

 

Saan nga ba nagsimula ang napakakulet na love story nilang dalawa?

 

 

 

Sa klasrum?

 

 

 

Sa battle of the bands?

 

 

 

Sa mcdo?

 

 

 

Sa gutter ng kalsada…

 

 

 

Kahit saan pwedeng mangyari ang mga bagay na pwedeng makapagpasaya saten.

 

 

 

Hindi natin dapat hanapin un.

 

 

 

Kusa naman yun dadating…

 

 

 

Hindi masamang maging bulag sa una…

 

 

 

Dahil may mga tao namang handang magpakita saten ng bagay na talagang kailangan natin…

 

 

 

 

Hindi rin masamang pumikit at mangarap kagaya ni reesha…

 

 

 

Pero kailangan mo ring matutong dumilat sa katotohanan at makinig sa mga bagay na hindi sinasabi…

 

 

 

Matuto kang maniwala.

 

 

 

Matuto kang magtiwala…

 

 

 

 

Hindi sa lahat ng oras hahayaan nilang mahulog ka…

 

 

 

Dahil may mga taong handang sumalo sayo sa pag-ikot mo sa sayaw ng buhay.

 

 

 

 

Matuto kang maging bata.

 

 

 

 

Masarap maging masaya.

 

 

 

 

Masarap maging inosente minsan.

 

 

 

 

Matuto kang kumanta.

 

 

 

 

Lumaban sa battle of the bands ng pag-ibig.

 

 

 

Maghanap ng maswerteng halik bilang pampabwenas.

 

 

 

Lumingon sa paligid…baka makakita ka ng kakilala…

 

 

 

 

Wag matakot mapahiya…

 

 

 

Minsan may mga bagay na nabubuo dahil dun.

 

 

 

Mahalin mo ung mga kaibigan mo…

 

 

 

 

Sila ung madalas gumawa ng paraan para makita mo ung mga bagay na dapat mong makita…

 

 

 

 

Wag magsalita ng tapos…

 

 

 

Maraming bagay ang pwedeng mangyari sa loob ng isang segundo…

 

 

 

 

Wag kang kumilos para sa panahon…

 

 

 

Hayaan mong panahon ang kumilos para sayo…

 

 

 

 

Tumawa.

 

 

 

 

Ngumiti.

 

 

 

 

Umiyak.

 

 

 

 

Sumigaw.

 

 

 

 

Mag-enjoy.

 

 

 

 

Minsan lang ang buhay…

 

 

 

Walang second chances at replays…

 

 

 

 

Gawin mo na ang mga bagay na dapat mong gawin.

 

 

 

 

Wag mong hayaang mawala ang taong pinakamamahal mo.

 

 

 

 

Tawanan ang buhay.

 

 

 

 

 

Umiyak minsan.

 

 

 

 

Lumaban.

 

 

 

Maglaro.

 

 

 

 

Magmahal.

 

 

 

Hanapin mo ung prinsesa mo…

 

 

 

 

Hintayin mo ung prinsipe mo…

 

 

 

Minsan kala mo palaka lang sila…

 

 

 

Pero hindi…

 

 

 

Sila pala ung tunay na magmamahal sayo.

 

 

 

END

 

 

>>>salamat po sa pagbabasa ng KISMET. Alam ko medyo boring ung last chapter….wala na kasi akong maisip jan. Pasensya na sa mga naghintay jan. Sa mga demanding readers…wag nyo sabihing bitin pa rin kayo ha? Maraming-maraming salamat po!!

 

 

Next story:

Cotton Candy…

 

Coming soon…

 

Kismet: Chapter 64 [buhay!] September 15, 2008

Filed under: kismet — missyen @ 3:16 pm

Chapter 64

 

 

Isang pedicab ang pumasok sa church compound.

 

 

 

Napalabas lahat ng tao sa loob ng simbahan…pano ba naman kasi…

 

 

 

Pedicab na rnb ung sounds?!

 

 

 

Isang tao lang ang naisip kong sasakay sa ganong pedicab…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Reesha ko!!!

 

 

 

 

 

 

 

 

Naka wedding gown na bumaba ng pedicab ang pinakamamahal kong wife-to-be…

 

 

 

 

 

 

Tahimik lang ang buong paligid.

 

 

 

 

 

Manong…stay put ka lang jan…wala kasi akong dalang pera eh. Mykel…pautang naman…pambayad lang sa kanya…

Ha?

Pautang…nakakahiya naman kay kuya…bilis! now na!

 

 

 

 

 

Natatawang, nagtataka na ewan kung ano pang emosyon ung nararamdaman ko na lumapit ako sa kanya. Inabot ko ung bayad sa pedicab drayber.

 

 

 

Keep the change.

Best wishes ho mam, sir.

Ai naku manong! Thanks a lot!!

 

 

 

Lumabas na ng compound ung pedicab…humarap naman siya sa mga tao.

 

 

 

Sorry people…nalate ako…kasi nasiraan ung lintek na bridal car na yan ee.

 

 

 

Akala namin hindi ka na dadating…

                                     

 

 

 

Nagbago ung mood nya.

 

 

 

Ano!? Ako hindi sisipot  sa sarili kong kasal?! Hala! Simulan na ang kasalang ito!!

 

 

 

Tapos naglakad papasok ng simbahan. Pagdating nya sa pintuan…

 

 

 

 

Aba mykel jonathan perez…bakit naman nanjan ka pa? Ano? Ako maghihintay sayo tapos ikaw ung may grand entrance? Sosyal ka!!

 

 

 

 

Nagtawanan lahat.

 

 

 

 

Napailing ako. mali pala ko. Hindi pala nagbago tong babaeng toh…

 

 

 

 

Alam mo pare…ito na ata ang pinakamakulet na kasalang napuntahan ko…grabeh! ang kulet talaga ni reesha…

 

 

 

Natawa kami.

 

 

 

 

Kaya nga mahal ko yan eh.