Natatandaan mo pa ba nung una kayong nagkita?
pwedeng sa klasrum…sa kalsada…o sa mall…
eh nung una kang napatingin sa kanya kasi may sinabi siyang parang weird sayo?
tapos ung unang natawa ka kasi nalaman mong napa kwela nya palang tao…
hanggang sa naging close kayo at naging friends…
isa na siya sa mga taong ayaw mong mawala kasi barkada na siya.
eh ung unang nag-away kayo? natatandaan mo pa ba?
ung nainis ka sa kanya kasi pilit nyang dina down ung sarili nya…
tapos nag pramis ka sa sarili mo na kahit kelan di mo na siya kakausapin…
kaya lang ibang klase ung pagkakataon eh…
akalain mo bang maging magkatabi kayo? o magkapartner? o maiwan ng barkada na kayo lang dalawa…
wala kang choice kundi kausapin siya.
hanggang sa mag-sorry kayo sa isa’t-isa…
tapos friends na ulet kayo…sa mahaaaaaaaaaaabaaaaaaaaaaang paaaaaaanahooooooon…
nung binigay nya ung jacket nya sayo kasi ginaw na ginaw ka?
naalala mo pa ba un?
nakatulog ka pa nga na suot un eh… habang yakap-yakap mu ung sleeves ng jacket?
wala lang sayo..
kasi..
di mo sya type… may mahal kang iba.. o bulag ka lang talaga…
eh how about naman nung una kang asarin ng barkada sa kanya?
natatawa ka lang kasi wala ka naman talagang gusto sa kanya ee.
hindi mo sya type..iba ung mahal mo..o bulag ka lang talaga…
tapos siya rin natatawa lang…
kaya walang seryosohan. asaran pa nga kayo ee.
naalala mo ba ung kantang pilit mong pinapakanta sa kanya?
eh ung kantang pinang-aasar mo sa kanya?
masaya kayo nun ee.
walang ilangan. walang iba. natural na kayo lang…barkada in every sense of the word…
tapos isang araw tumabi siya sayo…
pwedeng sa klasrum…sa sinehan…o sa kung saan pa mang lugar…
masaya kayo. nagtatawanan.
tapos hinawakan nya kamay mo…
sa isip mo wala lang yan. barkada naman ee…
pero sa totoo lang may nararamdaman ka ng kakaiba…
at dumalas ng dumalas ang mga pangyayaring ganon…
naalala mo ba ulet ung kanta?
eh ung tym na nalaman mong kanta nya pala sayo un?
kinilg ka diba? at the same time naguluhan…
eh pano naman ung time na napatingin ka sa kanya tapos iba na ung pakiramdam mo…
ung tipong…malapet ka ng mahulog…
pinipigilan mo kaso lang wala ee…
hindi mo ma resist ang sweetness at thoughtfulness nya…
msaya ka. eh siya kaya?
naalala mo ba ung tawagan nu?
kayo lang ata nakakaintindi sa sarili nyo nun ee…
nung may umentrang babae sa masayang lovelife mu…naalala mo na ba?
nalaman mong mas matimbang pala siya sayo sa puso nung mahal mo…
pero gulo ka kasi hindi pa rin nagbabago ung attitude nya…sweet and thoughtful pa rin siya.
hanggang sa nalaman mong may gf na pala siya…
sa barkada mo pa nalaman. ikaw na lang pala ung hindi nakakaalam…
eh ung unang beses na umiyak ka dahil sa kanya?
naging EMO ka nun…
sobrang sakit kasi kahit sa huling pagkakataon di man lang ikaw ung pinili nya…
ang sakit. sobra…diba?
eh ung mga araw na hindi na kayo nagpapansinan…
nagpaalam na siya sayo…nagpaalam ka na rin sa kanya…
tinatapos nyo na kung ano mang ugnanyan meron kayong dalawa…
kaya lang…
kaya mo nga ba? eh siya kaya?
natatandaan mo pa ba nung naglakas loob ka para kausapin siya..
again, hindi pa rin maiwasan ung pagkakataon…
tinulungan ka pa nga ata ng bestfriend mo nun eh?
miss na miss mo siya..
sa wakas! namiss ka rin niya.
hanggang sa naging owkey na kayo…ulet.
bumalik ung sweetness…
hindi pala…
so much sweeter na pala…
masaya ka na ulet…
masaya kang nanjan siya sa tabi mo…pra alalayan ka…
masaya ka pag biglaan nyang kinukuha ung kamay mo tapos hahawakan nya ng mahigpit na mahigpit…
masaya ka pag sinasabihan ka nya ng mahal ka niya…
masaya ka pag tinatawag ka nyang “prinsesa” nya…
masaya ka…kasi…mahal mo na sya.
kaya lang…
hindi mo alam kung anong meron sa kanya at kung ano ung talagang nararamdaman nya…
pero…
alam mo na…
someday…
hindi man ngayon..
malalaman mo rin un…
wala ka na ngang pakialam, malaman mo man un o hindi ee..
kuntento ka na kung sa kung anong meron kayo ngayon…
hindi man kayo…at walang kasiguraduhan kung ano man ang mangyayari…
masaya ka. masaya siya.
un lang ang mahalaga…
-yen-
>nakarelate ba kayo? wala lang…