♥..Ishturyahz..♥

ang aking kakaibang palasyo..

Sweetest Lie: Chapter 6 April 9, 2008

Filed under: sweetest lie — missyen @ 10:48 am

Chapter 6

 

So..kung hindi siya si john marc…sino siya?

Ewan ko.

Hmmm…di kaya may kakambal si john marc?

Ha?

Malay mo…

Pwede rin.

Tara na nga. Uwi na tayo.

 

 

Palabas na kami ng auditorium nun ng bigla kaming tawagin ni ate kim.

 

 

Sabay na tayo.

Owkey.

Nga pala, si Jonas.

 

 

Yumuko naman ung sinasabi niyang jonas.

 

 

Hi.

Hi din.

Bago lang siya dito. Nagbabakasyon din. Tumutulong siya sa pag-asikaso sa mga pasyente.

Ah.

 

 

Dumaan naman sa harapan namin ung john marc look-alike.

 

 

Ate kim, tatawagin ko lang un ah?

Sige.

Ahm, ate, anong pangalan nun?

Nino?

Ung tinawag ni jonas.

Bakit?

Wala lang. Parang may kamukha eh.

Pinsan ni jonas un. Marco ung pangalan.

Hmm…marc…marco…malapit iris.

Ha? Ano?

Ah…wala…

2 taon na yan dito eh.

Ah kaya pala hindi ko kilala eh.

Siya yata ung sinasabi mong bago eh.

Uo nga.

Nung dinala siya samen hindi na siya nagsasalita and walang reaksyon sa mga bagay sa paligid niya.

Deaf-mute din ba siya?

Malamang. Kasi hindi nga siya nagrereact. Sayang nga, gwapo pa naman.

Sayang talaga, noh iris?

Uo.sayang.pero pwede pa namang magawan ng paraan diba?

Hmmm…ewan ko lang.

Ang kulet ni marco.

Bakit?

Sasabay daw siya sa’ten…

Asan na?

Andun sa tindahan.

O sige. Tara na.

 

 

Nakisabay nga samin si marco. Hinatid muna namin si ate kim since siya ung unang madadaanang bahay.

 

 

Ingat kau.

Opo.

Jonas. Ingatan mo yan ha?

Uo. Ako pa!

Sige. Gudnyt.

 

 

Nang makapasok na si ate kim…

 

 

Ehem,ehem.

Dry cough ba yan jonas?

Hindi.haha!

So pano? Dito na kami.

Owkey.

Salamat sa paghatid ah.

Wala yun.

Sige goodnight.

 

 

Pero kay marco ako nakatingin. Ngumiti siya sakin.

 

 

Goodnight din.

 

 

Papasok na sana kami.

 

 

Ahm,iris?

Oh?

Ok lang ba kung ayain ko kayong mamasyal bukas?

Bakit si iris lang?

Hindi. Kayo nga eh.

Ano iris?

Ok lang.

Sige. Anong oras?

Mga hapon na lang para hindi mainit.

Owkey.

Sunduin na lang namin kayo. Goodnight ulit.

 

 

Tapos tumalikod na sila.

 

Sweetest Lie: Chapter 5 April 9, 2008

Filed under: sweetest lie — missyen @ 10:40 am

Chapter 5

 

Ano?

Sabi ko pinapupunta tayo ni ate kim sa youth gathering nila. Tanggalin mo nga kasi muna yang ipod mo.

Ah…sige, punta tayo…kelan ba?

Mamaya.

Owkey.

 

~!#

 

Nagpunta nga kami ng youth gathering. Sinalubong naman kami ng isang lalaki na nakilala ko na si kuya archie.

 

 

Gizele. Buti nakapunta ka.

uo. Sabi kasi ni ate kim maganda daw ung gathering ngaun eh.

Uo. Ako ang speaker eh.

Ah.maganda nga un.

Ikaw talaga bolera!

Nagpapabola ka naman?

Ito ba si iris?

Ai, uo…bestfriend ko.

Uo. Ang ganda mo nga ano?

Hehe. Hindi naman po.

Sige. Dun kayo sa harapan.

Owkey.

Maiwan ko na muna kayo.

 

 

Tumalikod na siya. Hinila naman ako ni gizele.

 

 

Natripan ka pa yata nun ah?

Ano ka ba?

Wag kang magpapabola dun. Naku.

Bakit naman?

Numero unong bolero un si kuya archie eh.hehe!

Ganon?

Wala sa itsura noh?

Kaw talaga.

 

 

Umupo na kami sa harapan ng auditorium. In fairness sosyal ang simbahan dito. May sariling auditorium…nakaupo kami. Biglang namatay lahat ng ilaw kasi powerpoint presentation. Nanonood ako ng may mapansing may nagsasign language sa tabi ko. Paglingon ko, nakita ko ung john marc look-alike.

 

 

Say hi…

Ano ka?

Bilis.

Mamaya marinig niya eh.

Un nga un eh.

Ha?

Pag nagreact siya ibig sabihin si john marc siya. Pag hindi edi hindi siya si john marc!

Eh…

Akala ko ba you’ll grab every opportunity just to have him back? Eto na un oh!

 

 

Nag-isip ako. Uo nga. Sige. Try lang naman eh.

 

 

Go!

Uhm…hi…

 

 

Walang reaksyon.

Isa pa.

Hi? Ang ganda ng presentation noh?

 

 

Hindi man lang siya nagreact and instead kinausap niya ung katabi niya through sign language. Tumingin ako kay gizele. Natatawa siya.

 

 

Sabi mo eh…

Bingi nga.

 

 

Nakita kong tumingin samen ung john marc lookalike na un…tapos nag-smile. Nagsmile na din ako. Tapos hindi na ko tumingin sa kanya the whole gathering.