♥..Ishturyahz..♥

ang aking kakaibang palasyo..

Cotton Candy. May 1, 2009

missyen @ 3:06 am

Gusto ko sanang gawing title yan ng next story ko after kong matapos ung Kismet. Kaya lang…hindi ko nga matapos-tapos ung storya na un ee! Kaya naisip ko na lang i-relate ang current feeling sa Cotton Candy…

Masarap talaga ung cotton candy…as in sobra…dati pag magsisimba kami…hindi pwedeng aalis kami ng wala akong bitbit na cotton candy…gusto ko talaga laging makakain nun ee! Favorite ko talaga siya kasi matamis na matamis and pag tapos mong kainin may color pink or blue or violet na ung dila mo…parang proof na kumain ka talaga ng cotton candy.

Nung lumaki na ako…gusto ko pa rin ung cotton candy pero parang nakalimutan ko na yata ung enthusiasm na nararamdaman ko pag nakikita ko ung manong na nagtitinda nun sa simbahan namin dati…

hanggang sa isang araw…nakakita ako ng cotton candy sa SM. malalaking cotton candy ung binebenta nila dun..kaya ang naisip ko kaagad: kailangan kong bumili nyan!

bumalik ung dating feeling ko pag nakakakita ako ng cotton candy…

nakalimutan ko ngang sasakit nga pala ung ngipin ko dahil sa matamis na matamis ang cotton candy na un.

pero? who cares?

cotton candy un ee!

kailangan kong kumain…kailangan kong matikman ang matamis na bagay na un…

kahit masasaktan ako sa bandang huli…

 pag-uwi ko sa bahay…

iyak ako ng iyak kasi sobrang sakit ng ipin ko…

hindi ko naman masisi ung cotton candy…kasi in the first place…

ako ung nagdecide para kumain nun…

Parang ung current na nangyayari saken naun…

dati…

may bagay akong gustong-gustong makuha…

hanggang sa makalimutan ko na gusto ko pala talaga ung bagay na un…

kasi may bagong bagay akong nagustuhan pero kagaya rin nung una…mas improved nga lang…

kaya i swore to myself na kailangang-kailangang makuha ko ung bagay na un…or else…

kahit alam kong masasaktan ako…

kahit na may mga bagay na nagsasabi saken na masasaktan ako…

still…

i did it…

because i want to..

it gave me the pleasure of being special to someone once again…

pero after that…

kagaya ng cotton candy…

sinaktan nya rin ako…

at hindi ko rin naman siya masisi kasi ako ung may gusto…

ako ung nagpilit…

ako ung nangulet…

ngayon?

wala na..

tapos na…

pero patuloy pa rin ung sakit na nararamdaman ko…

at kagaya ng cotton candy…

ang matamis na matamis na mga pangyayari ay dahan-dahang nalusaw at nag-iwan ng kulay…

na patunay na minsan…

naging masaya ako…

kahit sandali…

 

Leave a Reply